Post

Bakit kailangang pasalamatan ang congressman kapag may bagong tayo na classrooms? Pera ba nila ang pinampatayo? Hindi ba galing ito sa buwis na ibinabayad natin? Wala dapat tayong utang na loob sa kahit na sinong pulitiko. Sila pa dapat ang tumanaw ng utang na loob kasi ibinoto natin sila.

Kaya tuloy nagkakaroon ng patronage politics. Kasi tumatatak sa utak ng mga botante na kung hindi dahil sa congressman na ito, walang classroom. E di ba dapat DepEd ang nagpapatayo ng classrooms? Bakit naging proyekto ng congressman?

Sige, sabihin na natin na sila ang nagpropose para magkaroon ng allocation sa budget - pero nasa Saligang Batas na "dapat pangalagaan at itaguyod ng Estado ang karapatan ng lahat ng mga mamamayan sa mahusay na edukasyon sa lahat ng antas at dapat magsagawa ng angkop na mga hakbang upang matamo ...

"... ng lahat ang gayong edukasyon." At sumumpa sila na ipagtatanggol ang Saligang Batas, susunod sa batas, at maglilingkod sa publiko. So ginagawa lang nila ang trabaho nila.

0 reposts0 likes

Kahit pa sino ang maupo sa pwesto, kung tingin nila kailangan ng classroom, mag aallocate sila ng budget at itatayo yan. Dahil yun ang tamang gawin. Hindi ito bagong idea na dapat silang pasalamatan dahil naisip nilang gawin.